Welcome the unwelcome

WELCOME THE UNWELCOME
By Jose Maria Sison

Long before you come,
You rattle your sabres
Made in some alien land,
You boast of your ill intent
Against the toiling masses.

Come as you please
In whatever strength,
We watch your parade
From the simple and easy start
To the complex and difficult paths.

Our welcome is even readier
When we hear your air power
Thundering and stirring the winds
And the rumbling of trucks
Before you can creep on us.

We see your columns in advance
And if we are unable to make
A crowded grand reception,
We make a simple welcome
Without ceremony for you.

But there can be tokens of welcome
To our alluring homeground,
Outbursts from the roadside
And under your wheels and feet
And precision shots from wherever.

If still your strength is such
That you can encamp long,
We will continue the fireworks
To make you dance, lose sleep
And get worn out before you leave.

When you decide to leave,
We gladly take our turn to close in
And give you the biggest fireworks
Of farewell and thank you
For leaving gifts to us.

While you focus on small parts
Of our wide home ground,
We can take full initiative
And choose your weak points
Somewhere else to wipe them out.

On any day or any night,
We can tickle your weak point
To lure you into a grand reception
Along the most perilous routes
Or to hit another point beyond your guess.

Why do we welcome the unwelcome?
You bring to us what we need,
You save us time and sweat
To collect the means to become stronger
Before seizing your palace in the city.

MALUGOD NA SALUBUNGIN ANG DI-KATANGGAP-TANGGAP
Ni Jose Maria Sison

Matagal bago ka pa dumating
Kinakalansing mo mga sableng
Gawa sa dayuhang lupa,
Ipinagyayabang mo ang imbing hangad
Laban sa masang anakpawis.

Halika kailanmang nais mo
Bitbit ang anumang lakas,
Panonoorin ka naming magparada
Mula sa simple at madaling simula
Tungo sa mga daang masalimuot at mahirap.

Mas handa pa ang malugod naming salubong
Pagkarinig ng iyong lakas-himpapawid
Dumadagundong at humahagupit sa hangin
At ang ugong ng mga trak
Bago mo kami magapang.

Maagap naming tanaw ang mga hanay mo
At kung di namin kaya ang salubong
Na matao at magarbo
Simple ang aming pagsalubong
Na walang seremonya para sa iyo.

Subalit may mga tanda ng pagsalubong
Sa aming mapang-akit na tahanang lupa,
Mga putok sa gilid ng daan
At sa ilalim ng iyong mga gulong at paa
At tumpak na mga punglo mula kung saansaan.

Kung may lakas ka pang
Makapagkampo nang matagal
Ipagpapatuloy namin ang mga paputok
Para pasayawin ka, pagkaitan ng tulog
At pagurin bago ka lumisan.

Kapag nagpasya kang umalis
Galak naman kaming lalapit
At aalayan ka ng pinakamasigabong
Paputok na pagpapaalam at pasasalamat
Sa pag-iwan mo ng mga regalo sa amin.

Habang nakatuon ka sa maliliit na piraso
Ng aming malawak na tahanang lupa
Lubusan kaming makapagkukusa
At piliin ang mahihina mong pwesto
Sa ibang lugar upang lipulin sila.

Sa anumang araw o anumang gabi
Makikiliti namin ang mahihina mong bahagi
Para akitin ka sa masigabong salubong
Sa mga rutang pinakamapanganib
O puntiryahin ang ibang bahaging di mo mahulaan.

Bakit malugod naming sinasalubong ang di-katanggap-tanggap?
Inihahatid mo ang aming kailangan
Tinitipid ang aming oras at pawis
Para mag-ipon ng ibayong lakas
Bago agawin ang palasyo mo sa syudad.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.