NewsfeaturesTUGON NG KABATAAN SA PAGPAPATULOY NG REBOLUSYON

TUGON NG KABATAAN SA PAGPAPATULOY NG REBOLUSYON

-

Talumpati sa Book Launch ng librong “Foundation for Resuming the Philippine Revolution”ni Prop. Jose Maria Sison
20 July 2013

Marami pong salamat sa inyong imbitasyon na makapagbahagi hinggil sa kahalagahan ng sulatin ni Propesor Jose Maria Sison na tinipon sa librong “Foundation for Resuming the Philippine Revolution” ni Propesor Jose Maria Sison. Isa pa lamang ito sa limang librong nagtitipon ng piling sulatin ni Ka Joma mula 1968-1991.

Ito ay inililimbag sa okasyon ng paggunita sa ika-150 taong kaarawan ni Ka Andres Bonifacio.Ang paksa ng limang libro ay hinggil sa pagpapatuloy ng rebolusyong 1896 na pinamunuan ni Andres Bonifacio.

Pero sino nga ba si Andres Bonifacio para sa mga kabataan ngayon?

Sinubukan kong magtanung-tanong sa mga kapwa-kabataan kung sino si Andres Bonifacio at kung ano ang halaga ng rebolusyong 1896 para sa kabataan ngayon.

Ang pinakamadalas kong nakuhang sagot ay “wala”, tapos sabay tatawa. Pagkatapos ng pangungulit ay sasagot naman sila.

May mga nagsabi na mahalaga si Bonifacio dahil simbolo siya ng pagiging makabayan. May nagsabi rin na mahalaga ang rebolusyong 1896 dahil nananatili pa rin ang pagkaalipin ng ating bayan sa dayuhan. May sumagot na “ah basta, dahil matapang siya”.

Ang paborito kong sagot ay nakuha ko mula sa isang freshman student sa UP, ang sabi niya simbolo si Bonifacio ng “paglaban kung kailan di na epektibo ang pagsusulat at paghingi ng reporma.”

Marahil ito ang naging paborito ko dahil hindi ko inaasahan na manggagaling ito sa isang freshman. Ito kasi ang tipo ng kamulatan na pilit iniiwasan o isinasantabi sa mga paaralan sa pagtuturo ng kasaysayan.

Bilang bahagi ng organisasyon ng Anakbaya, bahagi ng tungkulin namin ang magbigay ng pag-aaral hinggil sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino sa mga kabataan upang maunawaan nila ang kasaysayan ng pag-aalipin at paglaban ng bayan.

Sa totoo, napakahirap po ang magturo ng kasaysayan sa kabataan ngayon. Naobserbahan ko na madalas na kakaunti, baha-bahagya, o salat ang kanilang kaalaman sa kasaysayan.

Karamihan sa kabataanpinaniwalana nakamit na ang pambansang kasarinlan noong Hunyo 12, 1898. Pero kungtatanungin din sila kung “Nararamdaman mo ba na malaya ang Pilipinas ngayon?” ang isasagot rin nila ay “Hindi”.

“Bakit hindi pa rin tayo malaya? “Papaano dapat ipagpapatuloy ang rebolusyon ito?”

Ito ang mga tanong na pilit itinatago o kaya naman ay hindi sapat-sapat na sinasagot sa mga paaralan na pinalalala pa ng paglaganap ng mga repormistang kaisipan at impluwensya sa pamamagitan ng mass media at iba pang institusyon ng estado.

Salat man sa kaalaman sa kasaysayan, mayaman naman ang karanasan ng kabataan sa kahirapan ng bayan. Una dahil ito ang obhektibo naming nararanasan sa araw-araw: ang kawalan ng karapatan sa pag-aaral, ng oportunidad sa disenteng trabaho, ng pagkain sa araw-araw, at ng kalayaan sa pagpapahayag at pagkilos. At ikawala, dahil patuloy ang pagsusumikap at impluwensya ng makasaysayang kilusang mapagpalaya upang ilantad ang sistemang nagbubunsod ng mga ito.

Kaya naman, hindilubos na maitatago at maisasantabi sa mga paaralan at iba pang institusyon ang makubuluhang tunguhin para sa ‘social awareness’, ‘social involvement’, ‘paglilingkod sa kapwa’ at ‘paglilingkod sa bayan’.

Gayunpaman, binabaluktot ang mga konseptong ito sa pagsisikap na ilayo ang kabataan sa rebolusyunaryong landas at dalhin sa makitid na kaisipan ng “pagbabagong nakasentro sa sarili”, “kongkretong benepisyo”, “kanya-kanyang adbokasiya” at iba pa.

Sinisikap din kaming higupin ng malalaking mga negosyo sa kani-kanilang programa ng “corporate social responsibility” upang isiksik kami sa ganitong mga binaluktot na porma ng pagiging “makabayan” at itago ang matinding pagsasamantalang kanilang ginagawa.

Sa pamamayagpag ng mga social networking sites,sinusuhayan ang pagbibigay ng ilusyon sa mga kabataan ng kalayaan sa pagpapahayag-ng-sarili at maaaring magkaroon ng kanya-kanyang opinyon.

Sa facebook, walang may monopolyo ng iisang katotohanan, kung ilan ang friends mo, ganoon din kadami ang bersyon ng katotohanan at okay lang yun. Sa twitter, nasusukat ang sama-samang pagkilos kung trending ang hashtag niyo.

Nilalason ang kaisipan ng kabataan ng pluralismo o kaisipang maaari magkaroon ng kanya-kanyang opinyon at “walang may monopolyo ng iisang katotohanan” ang layunin nito ay upang maliitin ang katotohanan sa suri ng pambansa-demokratikong kilusan bilang “isa lamang sa mga perspektiba”.

Sa loob ng mga pampubliko at pampribadong paaralan, pilit pinaliliit ang halaga ng pag-aaral ng kasaysayan. Binubura o pinaliliit ang oportunidad sa pag-alam sa kolonisasyon at imperyalistang paghahari ng US at ang kaakibat na makasaysayang paglaban ng mamamayan.

Todo-todo rin ang kampanya ng estado para sa kaisipang “non-violence” o absolutong pagkundena sa militanteng pagkilos ng mamamayan sa lungsod.

“Okay lang magpahayag ng hinaing, pero wag mag-rally, wag sisigaw, sumunod pa rin sa may-kapangyarihan, at huwag makipagbakbakan sa lansangan.”

Inaatake rin ang makatarungang pagkilos para sa radikal na pagbabago sa pamamagitan ng armadong paglaban ng mamamayan sa kanayunan. Pero sagad-sa-langit naman ang papuri sa pwersang militar ng estado habang itinatago ang pamamaslang at malupit nitong pagyurak sa karapatan ng mamamayan.

Ang ganitong pagsusumikap na ilayo ang kabataan upang maunawaan ang kongkretong kalagayan, ugat ng suliranin, ang halaga ng sama-samang pagkilos, at ang katarungan ng militante’t armadong pakikibaka ay hindi bago para sa kasalukuyan naming henerasyon.

Sa anumang bayan at sa anumang panahon, ang kabataan ay pilit nilang binubulag, nilalason ang isipan, at ginagawang kimi at sunud-sunuran. Ngunit hindi rin nawawala ang kabataang tumututol at lumalaban, nagpupunyagi para sa pagbabago at magtayo ng bagong sistema.

***

“Bakit hindi pa rin tayo malaya? “Papaano dapat ipagpapatuloy ang rebolusyon ito?”

Para sa aming mga kabataan na nabuhay pa lang ng dalawa hanggang tatlong dekada kumpara sa daang taong pagpupunyagi ng mamamayan para sa tunay na kalayaan, mahahalagang aral ang ibinibigay ng sulating inilimbag sa librong ito at maging ng daan-daan pang ibang sulatin ng rebolusyunaryong kilusan.

Mahalagang paglilinaw sa kabataan ang kasalukuyang sistemang panlipunan ng ating bayan. Na dahil sa panghihimasok ng imperyalistang Estados Unidos ay nasadlak sa malakolonyal at malapyudal na sistema ang ating lipunan. Na upang itulak sa pag-unlad ang ating bayan, kailangang ilunsad ang isang digmang bayan, na pangunahin nilalaman ay digmang magsasaka, upang pawiin ang ekonomikong batayan ng paghaharing impe sa bansa.

Ang nilalaman ng librong ito ay mahahalagang sulatin hinggil sa pundasyon para sa pagpapatuloy ng rebolusyon ni Bonifacio. Malinaw na ang pundasyong ito ay walang iba kundi ang pagtatatag ng proletaryadong partidong may maka-uring linya sa ideolohiya, pulitika, at organisasyon. Ito lamang ang may kakayanan na pamunuan ang mamamayan ng mundo upang dalhin sa libingan ng kasaysayan ang imperyalismo.

Kaya’t sa kabila ng pagsusumikap nilang ilayo ang kabataan sa rebolusyunaryong kamulatan at pakikibaka, buo ang aming panininindigan na tanging sa pamamagitan ng pambansa demokratikong pakikibaka ng mamamayan na may sosyalistang perspektiba makakamit ang tunay na paglaya ng sambayanan.

Kailangang magpasalamat ng mga kabataan, dahil bagamat salat pa sa kaalaman at karanasan, hindi malayo ang tanglaw ng pag-asa para sa mas mahusay na bukas dahil ang tinutuntungan ng kabataan ay ang mayamang karanasan sa pakikibaka ng mamamayan.

Asahan po ninyo na sa gabay ng mga ito ay puspusan ang kilusang kabataan sa pagsusumikap na labanan ang mga lasong pinapakawalan sa loob at labas ng mga akademya; buo ang aming kapasyahan na ipalaganap ang kawastuhan at katarungan ng rebolusyunaryong pakikibaka ng sambayanan sa mga eskuwelahan, bukirin, pabrika, at mga komunidad.

Tulad noong panahon ng kabataan nila Ka Joma noong 60s, hanggang ngayon ay “pumipintig pa rin sa puso at kaisipan ng kabataan ang hindi pa nakakamit na adhikain ng ating bansa at ng masa.Nagsisikap pa rin ang henerasyong ito na makabawi sa mga kabiguan ng nakaraan at naghahanda sa tagumpay ng hinaharap. ”

Mabuhay ang Pambansa Demokratikong pakikibaka ng mamamayan! Marami pong salamat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Latest news

Bio-data of Jose Maria Sison as public figure

Bio-data of Jose Maria Sison as public figure

Jose Maria Sison talks and meets with Philippine presidents

Jose Maria Sison talks and meets with Philippine presidents

Jose Maria Sison meets and talks with Prime Minister Kyell Magne Bondevik of the Royal Norwegian Government

In the course of GRP-NDFP peace negotiations in Norway , Jose Maria Sison meets and talks with Prime Minister Kyell Magne Bondevik of the Royal Norwegian Government.

Jose Maria Sison receives the Southeast Asia WRITE Award

The literary award is considered the most prestigious in Southeast Asia. The awardees are nominated by national writers' organizations

BOOKS BY PROF. JOSE MARIA SISON, 1961-2022

Since 1961, more than 50 books written by Jose Maria Sison have been published in English, Filipino and other languages. The books listed hereunder chronologically are mostly available from libraries of major Philippine, US and West European universities, Popular Bookstore in Manila and NDFP International Information Office in Utrecht, The Netherlands.

Decision on the petition for proscription against the CPP-NPA as terrorist organizations filed by the DOJ on 21 Feb 2018 with the RTC branch...

The Program of the CPP which is also synonymous with “Plan of Action”, can be construed as the respondent organizations’ “purpose for being,” or the very reasons for its establishment. A perusal of the foregoing Program, consisting of lofty ideals readily shows that the CPP-NPA is organized or exists, not for the purpose engaging in terrorism.

Must read

Bio-data of Jose Maria Sison as public figure

Bio-data of Jose Maria Sison as public figure

Jose Maria Sison talks and meets with Philippine presidents

Jose Maria Sison talks and meets with Philippine presidents

You might also likeRELATED
Recommended to you