Sison sa pag-uwi sa Pilipinas : ‘No problem, but…’

Sison sa pag-uwi sa Pilipinas : ‘No problem, but…’
Friday 6th April 2018 at 10:57am
VELLE GONZAGA
https://www.brigadanews.ph/article/national/Sison-sa-pag-uwi-sa-Pilipinas-%3A-%27No-problem%2C-but…%27

Wala naman umanong problema kay Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Joma Sison na umuwi sa Pilipinas para makiisa sa pagbabalik ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng mga komunista.

Ito ang reaksyon ng CPP chair matapos na ianunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na payag si Pangulong Rodrigo Duterte na umuwi si Sison nang hindi inaaresto para makiisa sa peace talks.

Pero sa eksklusibong panayam ng Brigada News FM sa CPP chairman, sinabi nitong mayroong tamang panahon para sya ay umuwi ng Maynila at makipag-usap, ito ay kung maganda ang takbo ng peace negotiations.

Mas mabuti umano kung sa foreign neutral venue muna mag-uusap at kailangang mataas na ang level ng peace negotiations na nakamit ng magkabilang panig.

Paliwanag ni Sison, di umano kasi basta-basta lalantad ang mga rebolusyunaryo at uuwi sa Pilipinas dahil sa naging karanasan ng NDF noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino kung saan hinuli at pinapatay ang mga komunista kaya’t kailangan munang pag-usapan ang amnestiya ng political prisoners.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*