Philippine economy is rapidly sinking
and Duterte terror regime is isolated

By Jose Maria Sison
NDFP Chief Political Consultant
February 2, 2021

The Philippine economy is rapidly sinking and the tyrannical Duterte regime is likewise being rapidly isolated and detested by the broad masses of the Filipino, not just because of the Covid-19 pandemic but because of the subservience to imperialist powers and the local exploiting classes of big compradors, landlords and bureaucrat capitalists, the incompetence, unbridled corruption and military overspending of the Duterte ruling clique and the obsession of Duterte to impose a fascist dictatorship on the people and inflame the people’s resistance and use this as pretext for state terrorism.

Thanks to Duterte and his military running dogs, they are driving the people to fight back and wage armed revolution to free themselves from the exceedingly intolerable conditions of oppression and exploitation. The people’s war in the new democratic revolution in the Philippines is thriving because the basic problems of foreign monopoly capitalism, domestic feudalism and bureaucrat comprador capitalism persist and the chief political representative of the ruling system, Duterte, is brazenly a traitor, butcher, plunderer and swindler.

==========================================

PH nalulugi ng P2 bilyon kada araw dahil sa pandemya: Duterte
ABS-CBN News
Posted at Feb 02 2021 05:27 PM | Updated as of Feb 03 2021 03:15 PM
https://news.abs-cbn.com/business/02/02/21/ph-nalulugi-ng-p2-bilyon-kada-araw-dahil-sa-pandemya-duterte?fbclid=IwAR0RVgWcTKNSZyx8agbuBFiXHTrNRAa2Eb7DDHDaEHBeNJcQxHmIcEIiKE8

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa rin nakababawi ang ekonomiya ng Pilipinas, na lubhang pinadapa ng COVID-19 pandemic.

“Araw-araw, we are losing P2 billion na pera na para sana ‘yun sa tao. The workers, the Filipino workers would have earned that money kung ang ekonomiya natin gumagalaw,” ani Duterte sa public address noong Lunes.

“So we are sinking deeper and deeper… pero we are trying our very best to keep us afloat,” aniya.

Ayon kay Duterte, hindi madaling desisyon na buksan nang biglaan ang ekonomiya, lalo’t kailangan makinig din sa payo ng mga eksperto na nagsasabing mahalaga pa rin ang physical distancing at iba pang health protocols kahit ito ay nakakalimita sa galaw ng negosyo at sektor ng transportasyon.

Umaasa naman ang pangulo na makababawi rin ang Pilipinas at makakahabol sa pag-angat muli ng ekonomiya gaya ng nakikita na sa ibang bansa.

Ayon naman kay acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua, pumapalo sa P700 milyon ang nawawalang suweldo at iba pang income sa Metro Manila at iba pang rehiyon sa kada araw na nananatili ang mga lugar sa general community quarantine (GCQ).

Gayunman, pabor si Chua sa pagpapalawig pa ng GCQ sa Metro Manila at iba pang lugar ngayong Pebrero dahil na rin sa banta ng COVID-19 variant.

Pero sa Marso, maaari na umanong maluwagan ang quarantine classification para makabawi na ang ekonomiya, lalo’t may darating nang bakuna ngayong Pebrero.

Ayon naman kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., para mapadali pa ang pagbubukas ng ekonomiya, dapat isama agad sa babakunahan sa ikalawang quarter ng taon ang mga maituturing na economic frontliner.

“Iyon po ang nire-recommend din po ng mga Metro Manila mayors… ‘yong mga driver sa mga food and industries, sa mga services… kailangan maproteksiyunan din po natin ito,” ani Galvez.

Pero nagbabala ang OCTA Research Group sa posibleng pagluwag ng ekonomiya sa susunod na buwan.

Ayon kay Dr. Guido David, miyembro ng research group, hindi naman agad matitiyak na ligtas na agad sa virus ang mga mabibigyan nito dahil kailangan pang hintayin na makumpleto ang pagbibigay ng ikalawang dose ng bakuna.

“Iyong March parang masyado pang maaga. Baka April pa kasi bibigyan pa natin ng one month,” ani David.

“Ayaw rin naman natin na magkaroon tayo ng surge na rino-roll-out natin ang vaccine. Kasi kapag nagka-surge tayo at napuno ang mga hospital, maaapektuhan din ang roll-out program natin,” dagdag niya.

Duda rin umano ang OCTA Research Group na papalo agad sa milyon ang matuturukan sa unang batch ng bakuna.

Ipinayo ng grupo na huwag madaliin ang pagbubukas ng ekonomiya at pag-aralan muna nang mabuti ang resulta at vaccination plan bago ikasa ang pagluluwag ng quarantine classifications.

— Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.