Sights & SoundsParangal kay atty. Dominador Alaba Lagare, Sr.

Parangal kay atty. Dominador Alaba Lagare, Sr.

-

ni Jose Maria Sison
NDFP Chief Political Consultant
March 12, 2020

https://www.facebook.com/68639986933/videos/3877936812224111/

Tao-puso akong bumabati kay Atty. Dominador Alaba Lagare, Sr., ang matalino, magiting at militanteng abogado ng bayan, tagapagtanggol sa mga karapatang tao at matapat na tagapaglingkod sa sambayanang Pilipino.

Isang karangalan para sa akin ang lumahok sa pagpaparangal sa isang bayani na tulad ni Atty.Lagare. Una siyang nakilala ng bayan sa pagtindig at pagkilos laban sa diktadurang Marcos. Naging tagapagtanggol siya sa mga biktima ng batas militar at madalas siyang bumibisita at nagbibigay payo sa mga bilanggong pulitikal.

Hindi siya nagpakasapat sa legal na pagtatanggol sa mga biktima ng pang-aapi. Naging aktibo rin siya sa kilusang masa at ipinaglaban niya ang mga karapatan at interes ng sambayanang Pilipino sa mga pangunahing isyu. Naging convenor siya sa mga alyansa na sumaklaw sa malawak na masa sa kanyang rehiyon.

Maningning at kapuri-puri ang naging buhay ni Atty. Lagare. Ginampanan niya ang maraming tungkulin: bilang estudyante, bilang trial lawyer, bilang makabayang aktibista, bilang guro sa batas, bilang mayor at konsehal ng General Santos City at bilang tagapayo sa iba pang opisyal.

Sa ilang taong kalilipas, mahusay at mabunga niyang ginampanan ang tungkulin bilang Tagapangulo ng Regional Council ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa SOCSKSARGEN, bilangTagapangulo ng Union of People’s Lawyer in Mindanao Socsksargen Chapter at bilang Adviser, Union of People’s Lawyer in Mindanao (UPLM) Socsksargen.

Matagumpay siya sa mga tungkuling publiko, gayundin sa kanyang tungkulin bilang ama ng kanyang pamilya. Tiniyak niyang makapagtapos sa pag-aaral ang mga anak niya sa ibat ibang kurso at sila’y mga aktibong propesyonal na. . Uliran siya na umahon sa kahirapan sa pamamagitan ng pag-aaral.

Nagpapasalamat tayo kay Atty, Lagare sa patuloy niyang pagkilos para sa bayan sa harap ng tumitinding pagsasamantala at pang-aapi sa ating bayan ng mga dayuhang monopolyo, mga panginoong maylupa at ang mga korap na burukrata kapitalista.

Matibay siyang tagapagtaguyod ng kilusang pambansa-demokratiko. Mayaman ang kanyang pamana sa bayan. Uliran at inspirasyon siya sa kasalukuyan at mga susunod na henerasyon sa paglaban para sa pambansa at sosyal na pagpapalaya sa ating bayan.

Mabuhay si Atty. Lagare!
Ipagbunyi ang paglilingkod niya sa bayan!
Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Latest news

Bio-data of Jose Maria Sison as public figure

Bio-data of Jose Maria Sison as public figure

Jose Maria Sison talks and meets with Philippine presidents

Jose Maria Sison talks and meets with Philippine presidents

Jose Maria Sison meets and talks with Prime Minister Kyell Magne Bondevik of the Royal Norwegian Government

In the course of GRP-NDFP peace negotiations in Norway , Jose Maria Sison meets and talks with Prime Minister Kyell Magne Bondevik of the Royal Norwegian Government.

Jose Maria Sison receives the Southeast Asia WRITE Award

The literary award is considered the most prestigious in Southeast Asia. The awardees are nominated by national writers' organizations

BOOKS BY PROF. JOSE MARIA SISON, 1961-2022

Since 1961, more than 50 books written by Jose Maria Sison have been published in English, Filipino and other languages. The books listed hereunder chronologically are mostly available from libraries of major Philippine, US and West European universities, Popular Bookstore in Manila and NDFP International Information Office in Utrecht, The Netherlands.

Decision on the petition for proscription against the CPP-NPA as terrorist organizations filed by the DOJ on 21 Feb 2018 with the RTC branch...

The Program of the CPP which is also synonymous with “Plan of Action”, can be construed as the respondent organizations’ “purpose for being,” or the very reasons for its establishment. A perusal of the foregoing Program, consisting of lofty ideals readily shows that the CPP-NPA is organized or exists, not for the purpose engaging in terrorism.

Must read

Bio-data of Jose Maria Sison as public figure

Bio-data of Jose Maria Sison as public figure

Jose Maria Sison talks and meets with Philippine presidents

Jose Maria Sison talks and meets with Philippine presidents

You might also likeRELATED
Recommended to you