Pahayag laban sa Maharlika ni Marcos at Duterte

ni Jose Maria Sison
NDFP Chief Political Consultant
February 12, 2019

Gustong ipataw ni Duterte ang kanyang ignoransya tungkol sa maharlika na sa katotohanan ay alipin na itinuring na malaya at ang postwar invention ni Marcos na Maharlika regiment sa bigong pakana niya na mangolekta ng malakihang backpay mula sa US.

Tinanggihan naman ng US ang backpay claim ni Marcos dahil sa alam ng mga US military officers na peke at kathang-isip lamang ang Maharlika regiment ng racketeer na Marcos. Kahit paano, gustong parangalan ni Duterte ang idolo niyang Marcos.

Subukan kaya ni Duterte ang Maginoo sa halip na Maharlika o kaya Luzvimin o Lapulapu na lang. Subukan din niyang ipa-delete ang America sa pangalan ng US of America at turing na Latin America dahil sa colonizer si Amerigo Vespucci.

Kung mabago ba niya ang pangalan ng Pilipinas, huhusay ba ang kalagayan ng Pilipinas o magiging dakila ba siya sa kabila ng pagiging tirano, taksil, mamatay-tao, korap at sinungaling?

https://www.facebook.com/montemar/posts/10156321368832987

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.