WritingsMessagesExpand and intensify the mass movement within the framework...

Expand and intensify the mass movement within the framework of a broad united front

-

Message to BAYAN Metro Manila All Leaders’ Meeting
By Prof. Jose Maria Sison
June 20, 2020

Dear Fellow Activists,

Militant patriotic greetings to all of you!

Current conditions in our country are favorable for expanding and intensifying the mass movement within the framework of a broad united front of the Filipino people for national liberation and democracy against the traitor, terrorist, butcher, plunderer and swindler Duterte regime.

All the evil characteristics of this monster have been flagrantly exposed during the past months because of its exploitation of the Covid-19 pandemic as an opportunity to seize emergency powers, inflict harsh lockdowns, kill innocent people, suppress freedom of the press and plunder hundreds of billions of pesos in the name of unfulfilled mass testing, care for the sick and relief for those who lost their jobs.

The Covid-19 pandemic and the erroneous policies of the Duterte regime have aggravated the existing intensifying crisis of the semicolonial and semifeudal ruling system as a result of neoliberalism and state terrorism. We have reached a situation in which there is a consensus of the broad masses of the people that the Duterte tyranny is a plague worse than the Covid-19 and the Filipino people want to oust the tyrant from his throne.

Due to extreme restrictions, cruelty and extended militarist lockdown and unbridled plunder by the Duterte clique, the economy has sunk further and bankrupted the government and Duterte has further postured as being ferocious in order to terrorize and silence the Filipino masses. Despite the strong opposition of the people, Duterte insists on enacting into law the proposed bill which escalate state terrorism. This is even worse than martial law because it trashes the whole Bill of Rights of the 1987 Constitution.

Because of the intensifying crisis and the revulsion of the Filipino people, the Duterte regime is a paper tiger at the strategic level. It is rotten to the core and easy to resist and hit with effective blows. Even if the regime is a real tiger at the tactical level, because of its military, police and death squad minions, every crime it continues to commit will further result in the immediate, strong and wide resistance of the people to further isolate, weaken and defeat the Duterte regime.

The rapid expansion and intensification of the mass movement under the policy and tactics of a broad united front are timely. Strengthen the basic alliance of the working class and the peasantry, win over the middle social strata and take advantage of the splits among the ruling classes to isolate, weaken and defeat the treason, terrorism and tyranny of the Duterte regime.

Now that the contradictions between the US and China are sharpening, the double-faced policy and relations of the Duterte regime towards the two imperialist powers are splitting the ranks of the ruling classes and the regime. The pro-US side of the regime are angered by the stupid sell-out by Duterte of the sovereign rights over the West Philippine Sea to China even as it does not fulfil most of its promised loans that are onerous for the people.

Many reactionaries and even the US imperialists realize that Duterte cannot fulfil his promise to Trump to crush the armed revolutionary movement. Instead, this continues to grow stronger due to the worsening crisis, the oppression and exploitation of the people and due to the gross corruption of Duterte and his favorite generals in the procurement
of overpriced military equipment, theft of unaudited intelligence and discretionary funds and the faking of surrenders, encounters and projects.

Even among the ranks of military and police officials and personnel, there is a clash between Duterte’s brutal and corrupt favourites on the one hand and those who abhor the brazen gruesome crimes of his henchmen on the other hand. There are low-ranking officers and ordinary troops who say that they are fed-up with the corruption of the high ranking officers, of the blind and inutile operations and the cruelty to the workers, peasants and indigenous people.

BAYAN itself is a united front of wide scope and composed of organizations of the toiling masses and middle forces. But it is important to further expand the united front until it takes advantage of the splits among the ranks of the exploiting classes. They should be motivated to reject the Duterte clique. Those opposing Duterte must be encouraged to completely repudiate the Duterte clique, withdraw support from him within the ruling system, bureaucracy and apparatuses of state repression, and act to replace Duterte with his constitutional successor.

If this happens as in the overthrow of Marcos and Estrada in 1986 and 2001, the path will be cleared for the resumption of peace negotiations towards comprehensive agreements on social, economic and political reforms which shall be the basis for a just peace. If this does not happen, the people’s war for national liberation and democracy will continue and further blaze.

The role of BAYAN is decisive in rousing the patriotic and fighting spirit in accordance with the general line of national liberation and democracy through studies, discussions and publications, strengthening of solid mass organizations and mobilization of organized and unorganized masses to continuously increase mass protests until the Duterte clique loses its capacity to rule and is ripe for overthrow.

The role of BAYAN in Metro Manila is decisive because here is the center of the reactionary system and government and the manifestos, actions and victories of the patriotic and democratic forces shall be a signal for the whole country. The overthrow of the Duterte regime will be hastened if the mass actions are victorious and will strengthen the spirit of the people in the bureaucracy and the armed forces of the reactionary government and they will reject and withdraw support from the Duterte clique.

We are at a time where the crisis of the ruling system and the crimes of the Duterte regime are ahead of our initiatives and actions in goading the broad masses of the people to fight the enemy who causes their sufferings. We have a correct analysis of society and program of action, solid mass organizations and traditional and modern means and methods to hasten the pace of our struggle and defeat of the enemy and to advance the national democratic movement.

Expand the united front and intensify the mass movement!

Oust the treacherous, cruel, corrupt and mendacious Duterte regime!

Long live BAYAN and the Filipino people!

PALAWAKIN AT PAIGTINGIN ANG KILUSANG MASA
SA BALANGKAS NG MALAWAK NA NAGKAKAISANG HANAY
Mensahe sa BAYAN Metro Manila All Leaders’ Meeting
Ni Prop. Jose Maria Sison
June 20, 2020

Mahal na mga kapwa aktibista,

Maalab na makabayang pagbati sa inyong lahat!

Napakapaborable ngayon ang kalagayan sa ating bansa para palawakin at paigtingin ang kilusang masa sa balangkas ng malawak na nagkakaisang hanay ng sambayanang Pilipino para sa pambansang kalayaan at demokrasya laban sa traidor, terrorista, berdugo, mandarambong at manggagantsong rehimeng Duterte.

Lumantad nang garapalan ang lahat na imbing katangian ng halimaw na ito sa nakaraang ilang buwan dahil sa pagsasamantala sa pandemyang Covid-19 bilang pagkakataon na mangamkam ng mga emergency power, magpataw ng malupit na lockdown, pumaslang sa mga inosente, manupil sa malayang pamamahayag at magdambong ng daan-daang bilyong piso sa ngalan ng di-tinupad na mass testing, pag-alaga sa maysakit at ayuda sa mga nawalan ng hanapbuhay.

Pinalubha ng pandemyang Covid-19 at mga maling patakaran ng rehimeng Duterte kaugnay nito ang dati nang lumulubhang krisis ng malakolonyal at malapyudual na naghaharing sistema bunga ng neoliberalismo at terorismo ng estado. Humantong na tayo sa kalagayang may nagkakaisang pananaw ng malawak na masa na ang tiraniya ni Duterte ay mas malubha pang salot kaysa sa Covid-19 at hangad ng sambayanang Pilipino na patalsikin ang tirano mula sa kanyang trono.

Dahil sa labis na higpit, lupit at tagal ng militaristang lockdown at todong pandarambong ng pangkating Duterte, lalong bumulusok ang ekonomiya at nabangkrap ang gobyerno at lalong umaasta ang rehimeng Duterte na mabangis para takutin at patahimikin ang masang Pilipino. Sa kabila ng malakas na pagtutol ng sambayanan, ipinipilit ni Duterte ang pagsasabatas ng panukalang magpaigting sa terorismo ng estado. Mas masahol pa ito kaysa sa martial law dahil ibinabasura nito ang buong Bill of Rights ng 1987 Konstitusyon.

Dahil sa paglubha ng krisis at pagkamuhi ng sambayanang Pilipino, isang tigreng papel ang rehimeng Duterte sa antas ng estratehiya. Bulok sa kaibuturan at madaling labanan at bigyan ng mabibisang dagok. Kahit na tunay na tigre pa ang rehimen sa antas ng taktika, dahil sa mga alipuris nitong militar, pulis at death squad, bawat krimen na kaya pa nilang gawin ay lalo pang magbubunga ng kagyat, malakas at malawak na paglaban ng sambayanan para ihiwalay, pahinain at gapiin ang rehimeng Duterte.

Napapanahon ang mabilis na pagpapalawak at pagpapaigting ng kilusang masa sa ilalim ng patakaran at mga taktika ng malapad na nagkakaisang hanay. Palakasin ang batayang alyansa ng uring manggagawa at magsasaka, himukin ang mga panggitnang saray at samantalahin ang hidwaan sa hanay ng mga naghaharing uri para ihiwalay, panghinain at gapiin ang kataksilan, terorismo at tiraniya ng rehimeng Duterte.

Ngayong sumisidhi ang mga kontradiksyon sa pagitan ng US at Tsina, nakakabiyak sa hanay ng mga naghaharing uri at sa rehimeng Duterte ang doble karang patakaran at pakikitungo nito sa dalawang imperyalistang kapangyarihan. Nagagalit na ang mga nasa panig na maka-US sa mga taksil at estupidong pagbebenta ni Duterte sa Tsina ng mga soberanong karapatan sa West Philippine Sea kahit hindi naman tumutupad ang Tsina sa karamihan ng pangakong pautang na may mga kondisyong mabibigat para sa bayan.

Nakikita rin ng nakakaraming reaksyonaryo pati na ang imperyalistang Kano na hindi kayang tuparin ni Duterte ang kanyang pangako kay Trump na lipulin
ang armadong kilusang rebolusyonaryo. Lalo itong lumalalakas dahil sa paglubha ng krisis, ang pang-aapi at pagsasamantala at dahil sa garapal na korupsyon ni Duterte at ng kanyang mga paboritong heneral sa overpricing ng mga binibiling kasangkapang militar, sa pagnanakaw ng walang auditing na intelligence at discretionary funds at pagpepeke ng mga surender, engkwentro at mga proyekto.

Sa hanay mismo ng mga opisyal at tauhan ng militar at pulis, may hidwaan na sa pagitan ng mga brutal at korap na mga paborito ni Duterte sa isang banda at ng mga nasusuklam sa mga garapal na mga krimen ng rehimen sa kabilang banda. May mga nakabababang opisyal pati mga karaniwang tropa na nagsasabing sawang-sawa na nila sa korupsyon ng mga nakatataas na opisyal, sa mga bulag at inutil na operasyon at pagmamalupit sa mga manggagawa, magsasaka at katutubo.

Ang BAYAN mismo ay isang nagkakaisang hanay na malawak ang saklaw at binubuo ng mga organisayon ng mga anakpawis at panggitnang saray. Subalit mahalaga na palawakin pa ang nakakaisang hanay hanggang pakinabangan nito ang mga hidwaan sa hanay ng mga nagsasamantalang uri. Kailangang itulak ang mga sumasalungat kay Duterte para lubusang itakwil ang pangkating Duterte, bawian ng suporta sa loob ng naghaharing sistema, burukrasya at mga aparato ng panununupil ng estado at kumilos para palitan si Duterte ng kanyang konstitusyonal na kapalit.

Kapag nangyari ito tulad ng pagpapabagsak kay Marcos at Estrada noong 1986 at 2001, mahahawan ang daan para sa muling pag-uumpisa ng negosasyon sa kapayapaan tungo sa mga komprehensibong kasunduang sosyal, ekonomiko at pulitikal na magiging batayan ng makatarungang kapayapaan. Kapag hindi naman ito mangyari ito, magpapatuloy at ibayong lalagablab ang digmang bayan para sa pambansang kalayaan at demokrasya.

Mapagpasiya ang papel ng BAYAN sa pagpapaalab ng makabayan at mapanlabang diwa alinsunod sa pangkalahatang linya ng pambansang kalayaan at demokrasya sa pamamagitan ng mga pag-aaral, talakayan at pamamahayag, sa pagpapalakas ng mga solidong organisasyon ng masa at pagmobilisa sa organisado at di-organisadong masa para lumaki nang lumaki ang mga protestang masa hanggang mawalan ng kakayahang maghari ang pangkating Duterte at maaari nang patalsikin.

Mapagpasya ang papel ng BAYAN sa Metro Manila dahil dito ang sentro ng reaksyonaryong sistema at gobyerno at magiging hudyat sa buong bayan ang mga pahayag, kilos at tagumpay ng mga makabayan at demokratikong mga pwersa. Mapapadali ang pagpapatalsik sa rehimeng Duterte kapag maging matagumpay ang kilusang masa at makapagpalakas ito sa loob ng mga tauhan sa burukrasya at sa armado ng reaksyonaryong gobyerno at kanilang itakwil at bawiin ang suporta sa pangkating Duterte.

Nasa panahon tayo ngayon na ang krisis ng naghaharing sistema at mga krimen ng rehimeng Duterte ay nauuna pa sa ating mga pagpupunyagi at pagkilos ang pagtulak sa malawak na masa na lumaban sa kaaway na nagpapahirap sa kanila. May wastong pagsusuri tayo sa lipunan at programa ng pagkilos, matitibay na organisasyong masa at mga tradisyonal at modernong mga kagamitan at pamamaraan para pabilisin ang takbo ng ating paglaban at paggapi sa kaaway at isulong ang pambansa-demokratikong kilusan.

Palawakin ang nagkakaisang hanay at paigtingin ang kilusang masa!
Patalsikin ang taksil, berdugo, korap at singungaling na rehimeng Duterte!
Mabuhay ang BAYAN at sambayanang Pilipino!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Latest news

Bio-data of Jose Maria Sison as public figure

Jose Maria Sison talks and meets with Philippine presidents

Jose Maria Sison meets and talks with Prime Minister Kyell Magne Bondevik of the Royal Norwegian Government

In the course of GRP-NDFP peace negotiations in Norway , Jose Maria Sison meets and talks with Prime Minister Kyell Magne Bondevik of the Royal Norwegian Government.

Jose Maria Sison receives the Southeast Asia WRITE Award

The literary award is considered the most prestigious in Southeast Asia. The awardees are nominated by national writers' organizations

BOOKS BY PROF. JOSE MARIA SISON, 1961-2022

Since 1961, more than 50 books written by Jose Maria Sison have been published in English, Filipino and other languages. The books listed hereunder chronologically are mostly available from libraries of major Philippine, US and West European universities, Popular Bookstore in Manila and NDFP International Information Office in Utrecht, The Netherlands.

Decision on the petition for proscription against the CPP-NPA as terrorist organizations filed by the DOJ on 21 Feb 2018 with the RTC branch...

The Program of the CPP which is also synonymous with “Plan of Action”, can be construed as the respondent organizations’ “purpose for being,” or the very reasons for its establishment. A perusal of the foregoing Program, consisting of lofty ideals readily shows that the CPP-NPA is organized or exists, not for the purpose engaging in terrorism.

Must read

Bio-data of Jose Maria Sison as public figure

Bio-data of Jose Maria Sison as public figure

Jose Maria Sison talks and meets with Philippine presidents

Jose Maria Sison talks and meets with Philippine presidents

You might also likeRELATED
Recommended to you