Bogus talaga ang war on Drugs

By Jose Maria Sison
NDFP Chief Political Consultant
September 24, 2019

Bogus talaga ang war on drugs ni Duterte dahil imbes na sinupil niya muna ang drug lords at mga kasabwat nilang mga pulis at militar, mga heneral at gobernador, namyesta muna ang rehimeng Duterte hanggang ngayon sa pagpaslang ng higit na sa 30,000 na mahihirap na itinuring na drug suspect.

Ano pala ang objective ni Duterte sa bogus war on drugs? Isinagawa para maging supreme protector si Duterte sa mga druglords, kabilang ang mga kapamilya at mga Chinese syndicates sa drug smuggling at distribution.

Ngayon pa, ipiningangalandakan ng mga bayarang poll survey firms na satisfactory at successful ang bogus war on drugs ni Duterte. Tunay na ang Pilipinas ngayon ay pinaghaharian ng mga berdugo, mandarambong at mga manggagantso.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.