Awit ng Pagbati

Awit ng Pagbati
(Alay kay Joma sa kaarawan niya sa 8 Pebrero 2007)

Music and Lyrics: Danny Fabella
Sung by Ava Danlog

Kami ay nagpupugay sa iyong kaarawan
Sa tulad mong tunay na nagmamahal sa bayan
Maligayang pagbati sa araw na ito
Paninidiga’t mithi’y lalong pagtibayin mo

Refrain:
Sa gitna man ng kahirapan
Pagsubok at kagipitan
Sa gitna man ng unos
Ituloy ang pagkilos
Kami’y kasama mo

Kami ay nagpupugay sa iyong kaarawan
Sa iyong walang humpay na paglilingkod sa bayan
Isang mapulang pagbati, kasamang matapat
Ituloy ang paglandas sa malayang bukas

Repeat Refrain

Kami’y kasama mo, baya’y kasama mo, hindi mabibigo

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.