AWIT NG KABATAANG MAKABAYAN

Published on Jan 28, 2015

AWIT NG KABATAANG MAKABAYAN

Lyrics by Jose Ma.Sison
Music by Felipe de Leon, Jr.

Kami ang kabataang makabayan
Bisig ng manggagawa´t magsasaka.
Lakas at pag-asa ng buong bayan
Sa lunsod at sa mga lalawigan.

Aming layuni’y paunlarin ang ating bayan
Ibagsak ang asenderong salot ng bayan.
Kami’y lumalaban sa kaaway ng bayan
Mapang-aping kapitalistang dayuhan.

Kami ang kabataang makabayan
Sagisag at ningning ng kalayaan.
Kami ang kabataang makabayan
Apoy ng pagkakaisang walang hanggan.